Wednesday, November 24, 2010

Promise Yourself

ANONG ginagawa mo kapag lugmok ka ng mga problema? Paano mo tinutulungan ang iyong sarili sa panahong ang buhay ay puno ng mga hamo't suliranin?


HINDI ko inaasahang mayroon pa pala akong kopya ng tulang nasa ibaba. Nakita ko itong muli nang ako'y nag-aayos ng aking mga gamit. 

Nabasa ko ito sa isang magasin. Dahil lubos akong napagpala sa mensahe nito ay pinagdesisyunan kong kopyahin ito. 

Makailang beses na rin akong iniligtas ng kathang ito mula sa kalungkutan, pagmumukmok, kabalisahan, pagkagalit at kawalang pag-asa. 

At nakasisiguro akong magiging pagpapala pa rin ito sa hinaharap.

Narito ang tulang tinutukoy ko:

PROMISE YOURSELF (Christian Larson)

Promise yourself to be so strong that nothing can disturb your peace of mind.
To talk health, happiness, and prosperity to every person you meet.


To make all your friends feel that there is something in them.
To look at the sunny side of everything and make your optimism come true.


To think only the best, to work only for the best.
To be just as enthusiastic about the success of others as you are about your own.


To forget the mistakes of the past and press on to the greater achievement of the future.
To wear a cheerful countenance at all times and give every living creature you meet a smile.


To give so much to the improvement of yourself that you have no time to criticize others.
To be too large for worry, too noble for anger, too strong to fear and too happy to permit the presence of trouble.


ANONG ginagawa mo kapag lugmok ka ng mga problema? Paano mo tinutulungan ang iyong sarili sa panahong ang buhay ay puno ng mga hamo't suliranin?  

Ako – naghahanap ng inspirasyon. Persona o bagay na makapagpapaunawa sa akin ng kagandahan ng buhay. Kagaya ng tulang ito.

Sunday, November 21, 2010

Ugat

ILANG unos na kaya ang kanyang nalampasan? Ilang bagyo ang kanyang napagtagumpayan?
Ilang pagtaas ng tubig na kaya ang kanyang pinagdaanan? Makailang ulit kaya siyang nalubog sa tubig alat?
Mabuti na lamang at matindi   ang kanyang  pagkakapit sa   bitak ng isang malaking batong ito.             Mabuti na  lamang hindi siya sa buhanginan   tumubo!                          
Di ko maiwasang isiping kung saan nakaangkla ang aking buhay habang kinukunan ko itong larawan.    
Saan nga ba naka-angkla ang aking buhay?