Showing posts with label Halo-Halo. Show all posts
Showing posts with label Halo-Halo. Show all posts

Friday, December 3, 2010

LOTTO


 Tumataginting na 741 milyong piso ang napanalanuhan ng isang tao sa 6/55 Grand lotto ilang araw na ang nakalilipas. At hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagpapakita ang masuwerteng indibidwal upang kunin ang kanyang premyo.

Kayraming kapitbahay ang naringgan ko na kung sila lamang ang pinalad na magkamit kahit na sampung porsento lamang ng halagang iyon ay magiging masaya na sila. 

At handang-handa na sila kung anu-ano ang gagawin nila  sa papremyong ito.

Kung ikaw ang manalo ng ganoong kalaking halaga, papaano mo ito gagastusin?

Subalit bago ka pa magplano, hayaan mong ibahagi ko ang isang artikulong nabasa ko, tungkol ito sa isang mag-asawang  taga-Canada na nagkamit ng $11.3 milyon sa kanilang pagtaya sa lotto. 


Nicest Canadian couple in the world doles out lottery winnings
By Liz Goodwin – Thu Nov 4, 1:27 pm ET

A retired Canadian couple who won $11.3 million in the lottery in July have already given it (almost) all away.

"What you've never had, you never miss," 78-year-old Violet Large explained to a local reporter.
She was undergoing chemotherapy treatment for cancer when the couple realized they'd won the jackpot in July.

"That money that we won was nothing," her tearful husband, Allen, told Patricia Brooks Arenburg of the Nova Scotia Chronicle Herald. "We have each other."

The money was a "headache," they told the paper--mainly, it brought anxiety over the prospect that "crooked people" might take advantage of them. Several people called them out of the blue to ask for money when the news first broke that they'd won the jackpot. So they began an $11 million donation spree to get rid of it and help others, the Chronicle Herald reports:

They took care of family first and then began delivering donations to the two pages' worth of groups they had decided on, including the local fire department, churches, cemeteries, the Red Cross, the Salvation Army, hospitals in Truro and Halifax, where Violet underwent her cancer treatment, and organizations that fight cancer, Alzheimer's and diabetes. The list goes on and on.

Violet told the Canadian Press that they retained about 2 percent of the money for a rainy day.
"It made us feel good," Violet told the Chronicle Herald. "And there's so much good being done with that money."

The Nova Scotia couple have been married more than 35 years and quietly saved up the money that Allen made as a welder and Violet made in retail before retiring.
"We haven't spent one cent on ourselves because we've been too busy getting everything looked after and with my health, I have to wait to get my health back to get the energy to do anything," Violet told the National Post. "We're not travelers anyway. We live in the country and we're proud of it. Money can't buy you health or happiness."

Now their neighborhood is abuzz over their good deeds.

"People who know them just know that's the type of people they are—they're just happy to have each other," local restaurant owner Lori Hingley told the Canadian Press.

The prize was in Canada dollars (roughly equal to U.S. dollars at current exchange rates).

*courtesy - yahoo news ( Liz Goodwin)         

Thursday, October 21, 2010

Diaspora

     May kakilala ka bang nagta-trabaho sa ibang bansa? Marahil ang isang kapitbahay, kamag-anak o dili kaya’y isang miyembro ng iyong pamilya.

Isa kong kaibigan noong kolehiyo ay nasa Switzerland, nakapangasawa siya ng isang Filipino immigrant.

Yung isa namang kaibigan noong high school  ay nasa Dubai. At mula sa kanya ay napag-alaman kong marami-rami palang schoolmate namin  ang naroroon.

Isa ko namang dating kaklase, ang buong pamilya ay nasa Amerika na. Hindi na nga niya natapos ang high school kasi noong 3rd year kami kinailangan na niyang lumipad.

Sa pamilya ng tiyahin ko (kapatid ni tatay) dalawang anak niya ay nasa Middle East samantalang  dalawang apo naman ang nasa Canada.

Pabalik nang muli ang isa kong kasamahan sa iglesya sa  Singapore, tapos na kasi ang kanyang 13-araw na bakasyon. 

At kaya pala hindi ko nakita noong linggo ang asawa ni Ate Sol ay dahil nakaalis na ito patunggong Ivory Coast.
         
     Kung isa-isahin ko ang mga taong kakilala ko sa ibang bansa, marahil magiging napakahaba ng blog na ito. 

    Ayon sa isang pag-aaral, may 8-11 milyong Overseas Filipino  Workers (OFW) ang nasa labas ng bansa. Halos sampung porsento ito ng ating kabuang populasyon.

     Noong nakaraang taon, nakapag-ambag ng $ 17.3 bilyon sa ekonomiya ng  bansa ang padala ng mga OFW (hindi pa kasama rito ang mga ipinadala sa tao at ang mga balik-bayan boxes!), iyan ay ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). 

    Kahanga-hangang talaga ang kontribusyon ng mga tinaguriang bagong bayani!

     Kapuri-puri ang mga mangagawang (nagiging ambassador of goodwill) nagpapakita ng kasipagan, katigaan at kagalingan ng mga Filipino sa iba't ibang larangan sa bawat sulok ng mundo.

 Distribusyon ng OFW
United States 2,802,586
 Saudi Arabia 1,066,401
 UAE 529,114
 Canada 462,935
 Australia 270,347
 Malaysia 244,967
 United Kingdom 203,035
 Japan 202,557
 Qatar 195,558
 Singapore 156,466
 Kuwait 139,802
 Hong Kong 130,537
 Italy 120,192
 South Korea 80,715
 Taiwan 74,010
 Germany 54,336
 France 47,075
 Bahrain 44,703
 Spain 41,780
 Israel 36,880
 Austria 30,000
 Greece 29,344
 Lebanon 25,818
 Macau 23,348
 New Zealand 23,023
 Guam 22,567
 Norway 20,035
 Netherlands 19,163
 Sweden 18,435
 Ireland 16,832
 Papua New Guinea 12,932


    Subalit, may ilang bagay na kaakibat  ng exodus ng mga Pinoy.

   Gaano karaming propesyonal na doktor, nars, guro, inhenyero, at iba pang manggagawa, na dapat sana'y direktang nag-aambag ng kani-kanilang kakayahan sa pagpapaunlad ng Pilipinas ang na-iinganyo ng ibang bansa upang linangin ang kanilang populasyon?

     Ilang ina ang pikit-matang iniiwan ang sariling anak upang mag-alaga ng anak ng iba?

     Ilang ama na sa kanyang pagbabalik sa bansa ay halos estranghero ang trato ng mga anak nito sa kanya?

     Ilang Pasko, kaarawan o pagtatapos sa elementarya, high school o kolehiyo ang hindi nasaksihan ng isang tatay o nanay?

     Ilang kabiyak ang natukso dahil sa pangungulila sa kanyang minamahal na sa ibayong dagat?

     Ilang anak na lumaking walang ama o ina  ang napariwa ang buhay?
    
     Bilang isang dating OFW, masasabi kong sapat o di kaya'y higit pa sa hinihingi ng Pinas ang naitutulong namin. Nawa'y matumbasan ng ating gobyerno ang mga sakripisyo ng bawat  Filipinong piniling maakat mula sa nakagisnan patungo sa isang lupaing banyaga.


    
* distribution of OFW as of 2007 --- from wikipedia.com

Monday, October 18, 2010

Start of the Journey

      Paglalakbay. Journey. 旅行. 

      My name is Eliezer, I am a returning overseas Filipino worker (OFW) and I'd like to share some of my life's journey here.
 
The journey begins. Taken when I processed my working visa!
    Souvenir from China, Reflection, Ang Pagbabalik (The Return - a novel), An Entry from my Journal, and Postcard would be some of the sections of this blog. 
  
      I hope that I'll be able to post two to three entries during normal weeks. And at least one during hectic ones.

     Enjoy!