Ilang pagtaas ng tubig na kaya ang kanyang pinagdaanan? Makailang ulit kaya siyang nalubog sa tubig alat?
Mabuti na lamang at matindi
ang kanyang
pagkakapit sa
bitak ng isang malaking batong ito.
Mabuti na
lamang hindi siya sa buhanginan
tumubo!
Di ko maiwasang isiping kung saan nakaangkla ang aking buhay habang kinukunan ko itong larawan.
Saan nga ba naka-angkla ang aking buhay?